SEMINAR ON LOCAL HERITAGE PRESERVATION – Program


Pagsasanay sa Pamanang Lokal at Pagpapanatili nito idaraos sa darating na Hunyo

Ang “Joint Seminar on Local Heritage Preservation” ay magaganap sa Hunyo 1 hanggang 3, 2022. Ang pangunahing objektib nito ay magkaroon ng pagpapahalaga sa mga lokal na pamana at magkaroon ng mga konkretong hakbang sa pagpapanatili nito.  Ang mga inaasahang kalahok ng pagsasanay na ito mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) ay manggagaling sa mga titser-iskolar ng Graduate Diploma in Cultural Education, mga mag-aaral ng Bachelor of Culture, Arts Education kasama ang mga nagtuturo sa Institute of Arts and Social Sciences at Institute of Accounting, Business and Tourism. Hindi bababa sa 100 kalahok mula sa GDCE Batch 1; GDCE Batch 2, mga sasali sa GDCE Batch 3; kasama ang mga mag-aaral ng BS Tourism Management; BCAED; guro ng IASS at IABT; at mga nasa tanggapan ng Provincial at Municipal Tourism.

Magaganap ang Joint Seminar sa MSC main audio-visual room. Magkakaron ng ilang session. Ang session1 ay tungkol sa  National Local Heritage Policies habang ang mga magbibigay ng panayam ay sina Alvin Alcid at Jonathan Balsamo. Samantala ang session 2, magkakaroon ng palihan na papadaluyin ni G. Balsamo. Sa session 3 naman, ang paksa ay mga Best Practice of Local Studies Center habang ang mga magsasalita ay sina Dr. Lino Dizon at Prof. Michael Angelo Doblado, na siya ring magpapatakbo ng palihan. Ang session 5 naman ay tungkol sa Best Practice of Local Historical societies. Ang mga magbabahagi naman ay sina Dr. Emmanuel Calairo at Dr. Jose Andres Diaz. Pangalawa sa huli, ang session 6, magkakaroon ng palihan muli, at sa huling session 7, magkakaroon ng paglalahad ng mga output ng palihan. Ang  dulong bahagi ng joint seminar ay magkakaroon ng educational tour ng mga piling  Marinduque Heritage Sites.

By:

Anna Marie Bungabong

SWK Intern


Hibla Lokal Filipina” Summer Art Workshop bukas na para sa mga kalahok

Mogpog, Marinduque  – Ang Hibla Lokal Filipina ay programang pantulong sa lahat ng mga Book Nook site at grantee nitong nakaraang taon. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay  nakaangkla sa mga adhikaing magtatampok sa edukasyong pangkultura sa mga dominyo ng pagbabasa at pagpapahalaga sa wikang Filipino at Filipinong may-akda.

Ang isang bahagi ng Hibla Lokal Filipina ay isang “Summer Art Workshop” na naghahangad na payabungin pa at paigtingin ang paggamit ng mga iba-ibang illustrated books sa mga book nook sites at centers, magkaroon ng mga talakayan tungkol sa mga piling illustrated books mapipili ng mga tagapagsanay para magsagawa ng storytelling sessions at lecture discussions, makapagbahagi ng danas at natutunan sa mga paksang nakapaloob sa mga illustrated books, makakompleto ng mga araw ng paglahok at mailapat ang iba-ibang techniques at natutunan sa visual arts at panghuli, makapag-ambag sa edukasyong pamana at lokal na kasaysayan.

Ang mga tampok na Training Methodologies ay ang mga sumusunod: Lectures, Hands-on Workshop, Storytelling, Exhibition at Local Research. Ang mga kalahok ay mga batang may edad na 8 hanggang 15, hindi bababa sa 20 learners mula sa distrito ng Mogpog. Particular sa mga sumusunod na karating na pook at mga paaralan: Laon, Ino and Capayang Elementary School, Mogpog National Comprehensive School, Marinduque Academy, Quezon-Roxas High School at Pre-Schoolers mula sa Minido and Little Stars. Isasagawa ang Hibla Lokal Filipina sa Marinduque State College (MSC) Extramural Study Center sa Brgy. Capayang Mogpog, Marinduque. Ang mga tagapagsanay ay mga visual artists at storytelling facilitators ng Hibla Lokal Filipina: Summer Art Workshop ay sina Sir Gerry Lacdao, Sir Dennis Ibahan at Mam Lanie Malinao ng Marinduque National High School.