Boac, Marinduque, Philippines — Nakikiisa ang Marinduque State University sa pagdiriwang ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining (NCCA) ngayong Pebrero 10-14, 2025. Magkakaroon ng arts exhibit at mural painting sa Pebrero 10, 2025. Gayundin, mayroong film showing sa Pebrero 11-14, 2025. Habang mapapakinggan ang busking, pagtatanghal at iba pa sa Pebrero 13, 2025. Bubuksan din ang Food Bazaar sa Pebrero 10-14, 2025.Sa anunsyo ng MarSU Culture and Arts at Mediaworks (Communication Media) unit sa opisyal na social media account nito, ang “Art in the HEART,” nagbigay ng paanyaya para sa mga painting, sculpture, photographs, installation, original handicrafts at food & beverages noong Pebrero 5. Ayon sa kanila, “as part of Marinduque State University’s celebration of the National Arts Month 2025, we are inviting you to showcase your creativity and craftsmanship in an exciting Arts & Crafts, and Food Exhibition on February 10-14! Don’t miss this chance to be part of a vibrant celebration of creativity!”Ang “Ani ng Sining Biswal” ay matutunghayan sa East at west wing ng Administration building na hagdan simula Pebrero 10. Habang ang “Ani ng Tanghal Pampelikula” ay mapapanood naman sa conference room ng ikalawang palapag ng MarSU canopy sa Pebrero 11 hanggang 13 samantala, sa auxiliary building naman sa Pebrero 14. Ang Food Bazaar naman ay nakalatag sa MarSU parking lot mula Pebrero 10 hanggang 14. Tampok din ang “Ani ng Musika at Awitan są Pebrero 14.Bilang ambag din sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining, magkakaroon din ng Art Talks at Convos tungkol sa buhay na dunong ng tubong kasama ang mga mag-aaral ng Organizational Communication. Matatalakay din ang mga sustainable development goals at kaugnayan nito sa pamana, bilang bahagi ng “Marinduque Triannale at Intangible Cultural Heritage Trifecta.” Sa mga susunod na buwan ng Kababaihan at Panitikan ay magiging paksa din ang moryonan at kalutang ng mga klase sa Gender and Society at Panitikan.

(RT Nobleza/Island Innovation Ambassador, Island Innovation Academic Council Representative)
#EmpoweringMindsTransformingLives #MarinduqueStateUniversity #SDG4QualityEducation