Boac, Marinduque – Pagkaraan ng tatlong taon, magkakaroon muli ng Mga Durungawan sa Kulturang Pilipino mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 2 sa Marinduque State College (MSC) sa pagtataguyod ng ambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).
Ang Durungawan ngayon taon ay may temang “Culture-based Education: Enriching Instruction, Enabling Integration and Enhancing Contextualization” sa suporta ng Provincial Tourism Council of South Cotabato Inc, Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon (CHED).
Tampok ang iba-ibang paksa sa Pedagohiya ng Culture-based Education, Pagpapahalaga ng Pagkaing Cebuano, Pakitang Turo sa unang araw. Interesante ang paksa tungkol sa Waraynong kultura, Integrasyon ng Lokal na Kaalaman at Pedagohiya kasama ang pagsulat ng lesson plan. Habang huling araw ay tungkol pagpaplano gamit ang culture-based education at anunsiyo sa NCCA Grants sa susunod na taon.
Idaraos ang Durungawan sa MSC Gym, inaasahang hindi bababa sa 200 ang kalahok hindi lamang sa Dibisyon ng Marinduque, maging sa rehiyon ng Mimaropa at ibang pamantasan. Ang mga guro na iba-ibang disiplina kagaya ng Matematika, Technology and Livelihood Education, Science,etc. Magkakaroon din ng pagtatanghal at surpresang bilang ang Culture and Arts Unit ng MSC.
Batay sa NCCA Commissioner Carlo Ebeo, pinuno ng National Committee on Cultural Education at Subcommission on Cultural Dissemination, ang dating pangalan ng Durungawan ay Cultural Educators Forum at nakadisenyo billing outreach program para sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dagdag pa niya, “By providing myriad access to the multifaceted Philippine cultures, the participants can use the valuable pieces of information to enrich and enliven their contextualized discussions of the different topics in Basic Education, Junior and Senior High School, and also the Tertiary Level, by bringing to the fore, local and indigenous knowledge which are vital in culture-based instruction.”
Ang kasunod na serye ng Durungawan ay magaganap sa Larena, Siquijor sa Hulyo 21 hanggang 23, Tambulig, Zamboanga sa Agosto 2 hanggang 4 at South Ubian, Tawi-tawi sa Agosto 11 hanggag 13 ngayong taon. Ang Marinduque ay nagdiriwang ng ika-70 taon simula noong Hunyo 21, 2022 bilang Marinduque School of Arts and Trades (MSAT) nang maitatag ito nang Hunyo 21, 1953. Ang MSC ấy kaagapay ng NCCA sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa kultura at sining kagaya ng Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE).



