Boac, Marinduque – Pagkaraan ng lampas isang dekada, pinagpatuloy ng Marinduque State College (MSC) Communication Society ang SINE GUNITA: 4th MSC Film Festival may temang, “Pagkilala at Pagkakaisa sa Masisining na Paggunita ng Lente at Kamera sa Isla”
Mayroong hindi bababa sa 10 short-films ginawa, dinirehe, at ginanapan ng mga mag-aaral ng BA Communication na ipinalabas sa loob ng tatlong araw na film-festival nang nakaraang Disyembre 5 hanggang 7 ngayong taon. Samantala, ang inaabangang Awards Night ay idinaos noong Sabado, Disyembre 10 sa MSC Gymnasium.
Ang mga sumusunod na pelikula ang official entries para sa 4 th MSC Film Festival: Takipsilim; Hunyango; Liwayway; Limang Taong walang Tulog; Hawla; Walong Galamay, Walang Puso; Eva; Midnight Rainbow; 155 days After Ysa; and Sabel. Ang mga nabanggit na pelikula ay ipinalabas kamakailan sa MSC audio-visual room at MSC Library Learning Resource Center. Dagdag pa, nagkaroon ng film critiquing sa huling araw ng film fest kung saan kasama sina: Damian Velasquez III mula sa National University, Kelvin Kerbi Villamor ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) National Committee on Dramatic Arts, Syd March Miraflor galing sa ABS CBN at BA Comm alumni, Aizel Lacdao ng Union Locale at BA Comm alumna din at si James Harvey Estrada ng Polytechnic University of the Philippines Department of Broadcasting, College of Communication.
Ayon sa punong abala, mula sa BA Communication Department, ang subject instructor, Carl Lagar, at ang program head, Jerome Lingon, “ this event not only as a requirement for the subject course, “Introduction to Film”, but also as an opportunity to awaken and promote the creativity and artistic production of films among MSCians and Marinduqueños. After a successful run, each participating teams expressed their utmost gratitude to the people who made this event possible.”
“Natapos na nga ang ginawang film showing ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon. Ginanap ang film showing ng tatlong araw, magmula December 5 hanggang December 7. Ginawa ang film showing dahil sa muling pagbubukas ng mga lente at camera sa isla, kasabay ng muling pagbabalik at pagkabuhay ng alab sa paggawa ng mg pelikula. Marami ang sumubaybay at sumuporta sa inihandog na maikling pelikula ng mga mag-aaral ng Komunikasyon nang buksan ito sa publiko,” batay sa BA Communication teaser.
Nagpaunlak naman sina Aizel Lacdao at Paul Mansia kasama ang Vice President for Academics Dr. Victoriano Regio sampu ng MSC President Dr. Diosdado Zulueta. Kasama rin sina Dr. Joy Montejo, ang dean ng MSC College of Education, Arts and Social Sciences at Dr. Ernesto Largado, ang CEASS associate dean ng Institute of Arts and Social Sciences ay nagbigay ng mga mensahe para sa mga communication faculty at iba pang BA Comm mag-aaral. Ang kauna-unahang MSC Film Festival ay ginanap noong 2011 sa ilalim pa ng School of Arts and Sciences AB Communication Arts program. Kaugnay nito, ang MSC ay nagdiriwang ng platinum anniversary year kasabay ng pagkakatatag ng Marinduque School of Arts and Trades (MSAT) noong June 21, 1952. Tamang-tama sa Quadricentennial Year ng kabisera ng Marinduque,
noong muling itatag ang Boac noong December 8, 1622.