Mga Pilot Episode ng spin-off sa “Multo ng Isla” matutunghayan sa Tertulyang Pampanitikan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan, magpapalabas ang Sentro ng Wika at Kultura ng Marinduque State College ng mga pilot-episode ng “Ekspedisyon ni Alfred Marche” at “Koleksiyon ni Padre Clemente Ignacio” parehong batay sa dulang “Multo ng Isla.” Ang tema ngayong taon, “muling pagtuklas sa karunungang-bayan” ay kaugnay ng kasalukuyang inisyatiba ng MSC Sentro ng Wika at Kultura tungkol sa mga kasaysayan at kuwentong bayan bilang batayan ng Araling Pangkalinangan at Pamana.

Ang Multo ng Isla ay naipalabas noong nakaraang Marso 18- 19 sa pagbabaliktanaw sa nangyaring sakuna sa ilog ng Boac noong Marso 1996. Samantala ang mga kuwento tungkol kay Alfred Marche at Clemente Ignacio ay tungkol sa mga personahe ng kasaysayan at kuwentong bayan ng lalawigan. Kasama din sa pagpapalabas ay ang paglulunsad ng Literary Folio ng klase sa Bridging Course: malikhaing sulat. Mayroon din mga dulang pampelikula, panradyo at pang-
entablado ang klase. Magkakaroon ng mga reaksiyon ang mga batikang filmmaker ng Marinduque, sina Bb. Raiza Masculino at Bb. Aizel Lacdao. Kasama ang mga mensahe ng mga tagapangulo ng NCCA Nick Lizaso, Dr. Arthur Casanova ng KWF at Dante Francis Ang II ng NBDB sa programa.

Salamat sa National Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino at National Book Development Board ay patuloy ang MSC SWK sa pangangasiwa ng Tertulyang Pampanitikan. Gayundin, ang pagkakaroon ng Sentro ng Wika at Kultura sa Marinduque ay nagbigay ng daan sa kolaborasyon sa kalapit na lalawigan sa rehiyon ng Mindoro, Romblon at Palawan. Ang pinakahuling proyekto ng NBDB ay ang pagkakaroon ng mga Book Nook sa buon
kapuluan, mapalad ang lalawigan sa pagkakaroon ng Book Nook Marinduque sa MSC Extramural Study Center.

Maaring makalahok sa Tertulyang Pampanitikan sa pamamagitan ng google meet ngayong Huwebes (Abril 21) mula 9nu hanggang 12nt at bukas Biyernes (Abril 22) sa zoom ng parehong oras. Puwede rin mapanood ang livestream sa facebook page ng MSC Sentro ng Wika at Kultura at youtube ng MSCCA TV.


TERTULYANG PAMPANITIKAN (REPORT)

Noong ika-21 at 22 ng Abril, isinagawa ang isang webinar patungkol sa tertulyang pampanitikan alinsunod sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB) ngayong taon idinaraos ang Buwan ng Panitikan 2022 sa temang “Muling Pagtuklas sa Karunungang Bayan” bilang paghihikayat at paraan ng
pagpapasigla ng interes ng kasalukuyan at nakaraang henerasyon pagdating sa pag-aaral, muling pagtuklas at pangangalaga sa mga kwento at karunungang bayan at ng ibat-iba nitong mga porma at anyo.

Kahapon ay nag sagawa ng isang webinar at ito ay bahagi ng mandato ng KWF na magsagawa ng kumprehensya, seminar at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sap ag papaunlad at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Pinangunahan ni Dr. Randy Nobleza ang Tertulyang Pampanitikan Webinar 2022 na ginanap sa Marinduque State College at dito niya ipinakita kung gaano kahalaga ang Panitikan. Sa panayam naman ni Dr. Arthur Casanova tagapangulo ng KWF, sinabi niyang malaki ang kahalagahan ng pagkakatalaga ng magkaroon ng buwan para sa panitikan sa muling pagkakakilala nito sa bansa. Bagaman hitik sa mga pampanitikang pagdiriwang sa ibat ibang panig ng mundo, nahuhuli ang Filipinas sa pagpapalaganap ng panitikan kaya naman naisipan ng KWF na kumilos sa pambansang antas upang maging mabilis ang muling paghikayat sa mga mamayan na bigyang suporta ang local na panitikan.

Sa webinar na idinaos kahapon, isinagawa ang Tertulyang Pampanitikan, mayroon itong paglulunsad na isang Aklat at Dula na patungkol sa “Multo ng Isla” at naipakita din ang ilang pelikula kasama ang ibat-ibang studyante mula sa Bachelor of Arts in Communication. Sa bawat pagpapakita at pagpapanood ng ibat ibang pelikula at dula bilang studyante hinahangaan ko ang bawat likha ng isat-isa. “Bilang BAELS student, pinapahalagahan ko at binibigyang halaga ang “Panitikan” at naniniwala ako na bawat isa sa atin ay makilahok sa at bigyang halaga ang alinsunod sa ating konstitusyon. Nais ko ding bigyan ng halaga ang Panitikan dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino at dahil ditto maari nating pag aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin. Bukod rito, kung pag-aaralan natin ang mga panitikan, mas magiging pamilyar tayo sa hindi lamang sa mga pagkakamali ng ating mga ninuno kundi pati na rin sa mga tagumpay nila. At naniniwala ako sa kasabihang maaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan subalit hindi ang PANITIKAN!”

Vannesa May L. Ogayre

BAELS INTERN


PAGDIRIWANG NG BUWAN NG PANITIKAN SA MSC IDINAOS SA PAMAMAGITAN NG TERTULYANG PAMPANITIKAN

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ang buwan ng Abril ay maraming ginaganap na ibat-ibang aktibidad.

Ika ni ARSENIO “NICK” J. LIZASO na ang yaman ng ating panitikan ay maihahalintulad sa isang tubig na dumadaloy sa ating bayan, nag-iiba man ang anyo ngunit patuloy na dumadaloy at umaagos sa ating kasaysayan. Marahil ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad na ginagawa at tinatangkilik, ito ay sinasabuhay sa araw araw, napakahalaga sa buhay na malaman at maisakatuparan na ang panitikan ay nagiging isang magandang karanasan sa malayong paglalakbay.

Ngayong nasa kalagitnaan na ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ayon kay Dr. Randy T. Nobleza, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan, at sa puntong ito ay ipinagdiriwang natin ang World, Creativity and Innovation Day.

Nagkakaroon sakuna man nararanasan at dumadating nais lamang ng mga tagapamuno na maging alerto at wag ipasawalang bahala ang kahit anumang bagay na alam natin na mayroon pa tayong maiitulong. Katulad na lamang ng nangyaring sakuna sa bayan ng Boac ang minahan na nangyari noong Marso 24, 1996 na ngayon ay iniisip.

Sa ngayon ay isinasagawa din ang Tertulyang Pampanitikan at mayroon itong lungsad na Aklat at Dula na “Multo ng Isla.” Mayroon rin mga dula para sa entablado at para din sa pelikula, at ngayong semestre ay kasama ang BA Communication 3rd Year, Section A at B.

Base sa sinabi ni Jimely Jane Estoya ay napakarami ngane nating sakunang kinakaharap o ang problemang pangkalikasan na binibigyan nila ng adbokasiya, na ang pagsusulong na ito ng adbokasiya ay makakapagpagaan ng mas nakakaraming tao dito sa isla ng Marinduque.

“Bilang isang naninirahan sa Barangay Pawa,(Boac, Marinduque) noong panahon na sagana o nawiwili ang mga tao sa aming barangay dahil sa pagmimina o paghuhukay ng mga lupa dahilan upang mabuhay at magbigay ng ilang mga pangagailangan sa kani kanilang tahanan, na pantulong/pangtustos sa mga gastusin, halos lahat ng naninirahan doon ay gumagawa ng paraan para makakuha ng mga ginto sa kanilang bakuran. Sa hindi nila alam ang dulot ng pagganti ng ating inang kalikasan, ipinagpatuloy nila ang gawaing ito. Sapagat hindi rin nating maaring sisihin ang mga tao , dahil ngane sila ay may matinding pangangailangan sa buhay kaya nagagawa nila ito. Hanggang sa umabot na may nabaiwan na ng buhay, dahil dulot ng masasamang intensyon sa kapwa, mayroong naagkaroon ng sakit at halos lahat din ng kanilang nakuha galing sa mga ginto na ito ay nagastos din sa kanilang nangyareng sakit.” Sa paglipas ng panahon ay ang mga tao ay natuto sa mga nangyayare sa kanilang buhay na marahil ay nagging aral ito na ingatan ang ating kalikasan tungo sa pagunlad at tamang pagbabago ng ating bayan. Maraming paraan upang matulungang sinuman at anuman. Gawin ang tama ng sa gayo’y umunlad.

Tangkilikin at bigyang pansin ang mahalagang panitikan at gawin ito bilang inspirasyon upang tumukoy sa ating buhay ,dala dala nito ang mga magagandang imahe na makuluha dito.

Laica Mae L.Mampusti

MSC BAC INTERN