Boac, Marinduque – Nakikiisa ang Marinduque State College sa online na kumperensiyang “Virtual Island Summit 2022” na may temang “Sharing Knowledge for Resilient, Sustainable and Prosperous Islands Worldwide” ngayong Setyembre 26 hanggang Oktubre 2. Bukas ang akses sa mga pandaigdigang eksperto, zero-carbon na kumperensiya, interaktib na iba-ibang format, may talakay sa “Sustainable Development Goals” at higit pa, may iba-ibang perspektiba at cross-sector na kolaborasyon.
Binubuo ng walong content tracks ang VIS2022, kasama ang mga sumusunod na paksa: climate change and adaptation; renewable, energy and clean energy transition; blue economy conservation and the ocean; agriculture, trade and food security; health, education, diversity and inclusion; circular economy; sustainable tourism; blockchain and cryptocurrency.
Sa pagbubukas ng unang araw, 9:00am sa New York, 2pm sa London, 11pm sa Sydney at 9pm sa Manila ay nagkaroon ng unang session at press conference na pinadaloy ng CEO ng Island Innovation na si James Ellsmoor. Ang nagsilbing keynote na tagapanayam ay si Hon. Mia Mottley, ang prime minister ng Barbados. Paliwanag niya, “I believe the concept of a zero-carbon conference specifically from island nations is nothing short of a blessing. It gives us all the ability to further embrace digital technologies and in so doing, gives us the opportunity to share, learn and grow together. To that extent, I congratulate island innovation for establishing this important activity.”
Sinundan ito ng open networking gamit ang remo na platform kung saan may mga virtual na lamesa na maaaring salihan ng mga kalahok tampok ang mga tema ng climate action and adaptation; agriculture, trade and food security at renewable energy and clean energy transition. Ang mga sumunod na panel na talakayan ay binubuo ng Island Stories with…the Caribbean Biodiversity Fund; tagapagtatag ng TiPO PEYI; Opportunities in Ocean Science for Island People at Sustainable Financing for the Pacific Blue Continent to achieve 30% MPA and 100% Sustainable Management.
Ang Buwan ng Malikhaing Kabuhayan ay kauna-unahang ipinagdiriwang ngayong Buwan ng Setyembre alinsunod sa batas na RA 11904: Philippine Creative Industries Act. Ang Marinduque State College ay nagdiriwang ng ika-70 taon ng pagkakatatag simula noong Hunyo 21, 1952. Samantala ang bayan ng Boac ay nagdiriwang naman ng 400 taon ng muling pagkakatatag ngayong Disyembre 2022. Idaraos sa Marinduque ang ika-44 na Kumperensiya ng Ugnayang Pang-Aghamtao na may temang Kapuluan: Anthropology in the Archipelago sa darating na Oktubre 26-28. Abangangan din ang mga detalye para sa Boac Quadricentennial Webinar Series para sa 10 de Octubre at 1 de Noviembre.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=132351666215636&id=100083224097474