Boac, Marinduque – Ang Marinduque State College (MSC) Graduate Diploma in Cultural
Education (GDCE) Batch 2 ay magsasagawa ng simbolikong pagtatapos para sa 32 Titser-
Iskolar mula sa Oriental Mindoro, Romblon at Marinduque. Sa kabila ng Alert Level 3 para sa
bayan ng Boac at Buenavista sa lalawigan, ang GDCE Mimaropa ay tuloy sa pagsasagawa ng
akademikong ehersisyong ito sa MSC gymnasium habang tumatalima naman sa mga
panuntunan ng IATF, hanggang 30% carrying capacity, fully vaccinated na kalahok na may
accomplished health declaration forms sa pagpasok ng pamantasan.
Ang mga Titser-Iskolar ng GDCE Mimaropa ay matagumpay na nakapagsumite ng mga gawain
at kahingian sa mga kursong CulEd para sa Level 2 mula Setyembre 4 hanggang Disyembre
19. Mula sa summer course ay inabot na ng unang semestre ang pagsisimula ng GDCE Level
2.
Ang unang kursong CulEd 204: Issues in Cultural Education ay binahagi ng tagapag-ugnay
ng MSC GDCE si Dr. Randy Nobleza mula Setyembre 4 hanggang 26 kahit may kasabay na
mga kurso sa Graduate Courses. Sa huling araw, ang GDCE batch 2 nag-organisa ng web
symposium tungkol sa kapaligiran at panlipunang gampanin ng Cultural Education sa rehiyon.
Gumamit din ang GDCE Batch 2 mga modyul na inihanda ng Philippine Cultural Education
Program (PCEP) faculty para sa face to face at remote na moda ng klase. Tulad ng CulEd 205:
Media-based Cultural Documentation sa pamamahala ni Ar. Manolet Garcia mula Oktubre 2
hanggang 24 nagkaroon ng world premiere ng kanilang cultural documentaries kahit unstable
suplay ng kuryente at connectivity. Sa kurso namang CulEd 206 na klase mula Oktubre 30
hanggang Nobyembre 21 sa ilalim ni Prop. Rica Palis, ang mga Titser-Iskolar ng GDCE
naglapat sa praktika ng arm’s length na local cultural mapping kung saan nakagawa ng mga
naratibo at basehan para sa huling kurso ng CulEd. Sa pamamagitan ng CulEd 207
pinangunahan ni Prop. Jonah Jimenez mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 19 na
nagsilbing integrasyon sa development of lesson exemplars.
Sa huling sampung taon, ang NCCA Philippine Cultural Education Program ay nagbunga ng
mga kagamitan para sa pagkakaroon ng mga Culture-sensitive at empowered na mga Pilipino.
Ngunit upang macerating sa higit na mataas na antas, ang mga Titser-Iskolar ay mag-aadhika
at maglulunggati para sa CulEd kanilang mga mag-aaral o paaralan, sangay at rehiyon maging
sa ibang sektor sa lipunan. Ang taong 2020 ay nagsilbing pananda ng pagsisimula ng Covid-19
pandemic. Ang ganitong sitwasyon nagbigay daan para sa new normal o bagong kadawyan,
kailangan pagsasanay at pagbabagong angkop sa nagbabagong kalagayan ng edukasyon sa
kapuluan.
Sa kanyang mensahe sa completion rites, ang tagapag-ugnay ng MSC GDCE nagpahayag,
“Ang PCEP naghanda ng mga modyul para sa blended learning habang binabaybay ng GDCE
ang better normal. Patuloy na itinatataguyod ng MSC GDCE ang flagship na programa ng
PCEP bilang conduit na institusyon para maging ubod ang Philippine Culture sa pag-aaral,
pagkatuto at pedagohiya. Nawa sa darating na panahon, ang PCEP makakaagapay pa rin sa
paghahandog ng mga sertipiko/ diploma sa heritage tourism, MAEd kahit EdD degree para sa
heritage studies o credit ng elective at mandated na mga kurso.”
Ang naturang GDCE completion rites ay pinagtulungang maisagawa ng MSC Graduate School,
DepEd Mimaropa at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Ang burador ng
kalipunan ng mga kurso ng GDCE ay ilulunsad din sa akademikong gawain. Para sa mga
updates at anunsyo para sa sunod na batch ng mga Titser-Iskolar mula sa rehiyon ay ipapaskil
sa mscmarinduque GDCE Mimaropa microsite.