Mogpog, Marinduque – Mula sa klase ng Communication Elective 3: Cross-Cultural Communication ang mga “video ethnography” ngayong semestre (1 st sem 2022-23) ng mga BA Communication. Galing naman sa English Language Studies, Foreign Language 2 (Japanese Language and Culture) ang retelling ng mga piling kuwento mula sa bayan ng Mogpog at Gasan. Buhat naman sa BA Communication kumukuha ng Bridging Course: Creative Writing (Malikhaing Pagsulat) ang mga vlog tungkol sa MSC Museum at Regional Science Centrum. Pinapalabas ngayong Disyembre 13 hanggang 15 sa Book Nook Marinduque cinematheque.
Ang BAC section 3A ay naghanda ng mga paksa tungkol sa makasaysayang pangyayari: 10 de Octobre at 1 de Noviembre; pamanang hindi natitinag na Boac Cathedral, monumento ng Labanan sa Paye at pananda ng Laylay Magnetic station na dating daungan ng Laylay. Tampok din ang industriya ng bila-bila (butterfly) at panata tuwing Semana Santa, ang pagmomoryon. Samantala, ang section 3A naman gumawa ng tungkol sa himala ng Biglang Awa; Baha sa Boac noon panahon ng mga Moro at Marcopper. Gayundin, tungkol sa pamanang hindi natitinag na Casa Real at mga prominenteng tauhang Boakeño kagaya nina Teofilo Roque at Maximo Abad.
Galing naman sa English Language Studies, Foreign Language 2 (Japanese Language and Culture) ang retelling ng mga piling kuwento mula sa bayan ng Mogpog at Torrijos. Mayroon tungkol, sa pangalan ng Nangka 1 at 2 sa bayan ng Mogpog; Brgy. Mangiliol sa bayan naman ng Gasan; Moriones “from re-enactment into an annual tradition”; Alamat ng Silangan (Mogpog) at Matandang Gasan; Brgy. Poblacion 1, 2 at 3; at pinagmulan ng mga isla ng Tres Reyes.
Buhat naman sa BA Communication kumukuha ng Bridging Course: Creative Writing (Malikhaing Pagsulat) ang mga vlog tungkol sa MSC Museum at Regional Science Centrum. Ang mga gawaing ito ay kadugsong ng katatapos lamang na patgatatanghal sa “Teatro Juvenil” nang nakaraang Disyembre 9 sa MSC audio-visual room at 4 th MSC Film Festival “Sine Gunita” nitong Disyembre 10 sa MSC gymnasium.
Nagdiriwang ang bayan ng Boac ng ika-apat na daantaong muling pagkakatatag at ika-70 taon ng Marinduque School of Arts and Trades. Bilang pagbibigay ng pagpapahalaga sa lokal na director, Joseph Israel Laban; mga lokal na historyador sina Myke “Miguel” Magalang at Lolo Kiko Labay. Nakasabit pa rin sa mga dingding ng Book Nook Marinduque gallery ang mga gawa mula sa Hibla Local Filipina 3 noong Nobyembre.