Boac, Marinduque – Hindi pa tapos ang serye ng mga palabas sa pamamagitan ng streaming platform ng youtube at facebook live, mayroon pang aabangan na pagtatanghal ang Siklab Society ng Marinduque State College (MSC) Regional Art Center (RAC) at Kaisa sa Sining (KSS). Noong nakaraang Setyembre, matagumpay na naitampok ang Araling Marinduke kasabay ng Webinar episodes ng Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE) sa Mimaropa. Kabilang sa mga nabanggit na GDCE Webinar Series ang paglalahad ni Dr. Rex Asuncion noong Setyembre 11; CulEd 204 ni Mam Rizalyn Magno noong Setyembre 18; CulEd 200 ni Sir Vince Justin Roland Madrigal noong Setyembre 25 at CulEd 203 ni Sir John Earl Manlisis at CulEd 205 nina Sir Jerahmeel Laderas at Sir Mark Christopher Roi Montemayor noong Setyembre 30. pero ang tampok sa Kalinga ng Sining ay ang SineMarinduke at Tanghal Marinduke bilang paghahanda sa palabas ng Siklab Society para sa Sentenaryo ng Marinduque. Ang SineMarinduke ay ambag sa ika-100 taon ng muling pagkakatatag ng Marinduque bilang nagsasariling lalawigan sa Quezon dating Tayabas noong February 21, 1920. Dahil sa pandemya at pagbabago sa maraming sektor kabilang ang edukasyon, nagpasyang idaos ang mga gawain kahit sa online na paraan. Kasama sa talakayan ng SineMarinduke si direk Joseph Israel Laban, Raiza Masculino at Aizel Lacdao tungkol sa mga hamon na hinaharap ng mga mangagawa sa pelikula at sining. Nang sumunod na linggo, pinagusapan naman nina Danny Ledesma Mandia, Rex Sandro Nepomuceno at Bryan Viray ang mga pgababago sa pagtatanghal at entablado. Ang huling episode sa serye ay sa bahagi naman ng Siklab Society na nagtanghal ng mga sayaw, tugtog at musika para sa sentenaryo ng Marinduque.
Watch Recordings